Kuliti Reunion, Ginanap sa Kolab Book Signing Event sa UPper Shelf sa UP Town Center

Nagkita-kita muli ang dating grupong Kuliti sa UPper Shelf, tindahan ng libro ng University of the Philippines sa UP Town Center, noong Nobyembre 30, 2019, nang mag-book signing event sina Chuckberry Pascual, Maynard Manansala, at U Eliserio para sa kanilang koleksyon ng mga dulang Kolab (UP Press, 2018).

Ang dating grupong Kuliti (L-R): Pascual, Eliserio, Manansala, at Robert Buado. (Larawan (c) Robert Buado)

Kaiba sa ordinaryong book signing, nagkaroon ng staged reading ng mga dula mula sa Kolab, at sa Tatlong Dula (na Itinanghal ng Dulaang UP) (UP Press, 2018) ni Rody Vera, na kasabay ang event kina Manansala, Eliserio, at Pascual. Sina Meann Espinosa, Opaline Santos, at G. Vera mismo, mga propesyunal na aktor, ang nagsagawa ng staged reading.

Mga aktor (L-R): Opaline Santos, Meann Espionsa (Larawan (c) Chuckberry Pascual)

Si Bb. Santos ay gumanap bilang Angie sa dulang Bago Ilibing, kasama sa koleksyong Kolab, noong 2014, at bilang Galis sa dulang Umaaraw, Umuulan, Kinakasal ang Tikbalang, na bahagi naman ng Tatlong Dula, noong 2012. Si Bb. Espinosa ay gumanap bilang Debbie sa dulang Dalawang Gabi, na bahagi ng Kolab, noong 2015.

Bukod sa mga mandudula, dumalo din sa book signing ang tagapangulo ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng UP Diliman na si Vlad Gonzales, ang makatang si Ned Parfan, ang manunulat ng creative non-fiction na si Dawn Marfil, at ang Direktor ng UP Press na si Dr. J. Neil Garcia. Mabibili ang librong Kolab UPper Shelf sa UP Town Center, sa UP Diliman, at sa mga tindahan ng libro sa Metro Manila.

Mandudula at manunulat ng fan fiction: Vlad Gonzales (Larawan (c) Chuckberry Pascual
Makatang Ned Parfan at manunulat ng CNF na si Dawn Marfil (Larawan (c) Chuckberry Pascual)

Matatandaang naglabas ang grupong Kuliti ng dalawang koleksyon ng maikling kwento: Kuliti (2007), at Kuliti: Pagtatanggol sa Pag-ibig (2008). Si U Eliserio, ang may-ari ng kuliti.art, ang tapagtatag ng grupo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s