Ang mga dulang Alejandro ni Chuckberry Pascual at Kwentong Beerhouse nina Maynard Manansala at U Eliserio, na kasama sa koleksyong Kolab (UP Press, 2018) ay itatanghal sa ika-11 at ika-12 ng Disyembre, 2019, sa St. Scholastica’s Academy-Marikina.

Bahagi ng “Opening Salvo” ng Entablado ng Sining at Pagtatanghal ang pagtatanghal ng dalawang dula. Ang Entablado ng Sining at Pagtatanghal ay organisasyong pangteatro sa Senior High School Department ng St. Scholastica’s Academy-Marikina

Sina Manansala, Eliserio, at Pascual ay nabalitaang nag-book signing event sa UPper Shelf sa UP Town Center nitong nakaraang buwan.