Itatanghala sa Teatro Quijano ng FEU Cavite Senior High School ang dulang Anak Ka Ng ni U Eliserio, sa direksyon ni Phoedess Toleran, ngayong Pebrero 26 at 27, 2020. Tinatalakay ng dula ang epekto ng malawakang pagtatrabaho sa ibang bansa ng malaking porsyento ng populasyon sa mga pamilyang Filipino.

Unang itinanghal ang Anak Ka Ng sa Cultural Center of the Philippines, bilang bahagi ng Virgin Labfest 15, noong 2019. Bida ang mga aktres na sina Skyzx Labastilla at Krystle Valentino, at direktor ang mandudula at manunulat sa telebisyon na si Maynard Manansala. Bahagi ito ng Revisited Set sa Virgin Labfest ngayong 2020. Sakaling hindi makakapanood, maaaring basahin dito ang isang rebyu. Si U Eliserio ang may-ari ng kuliti.art.